Ano ba ang Agrikulturang Filipino

Agrikultura at Magsasaka

Pinakauna kong post

Bago ang lahat ako ay lugod na nagpapasalamat dahil sa oras na ito ay naiispire akong magsulat sa topic na ito dahil, hilig ko talaga ang agrikultura or agriculture dahil na rin sa lumaki ako sa isang payapa at tahimik na bukirin. Ang mga hayop o animal ang tanging nakakapagbigay saya sa akin lalo noong bata  pa ako at tuwing umaga ay maririnig ko ang mga malalakas na tilaok ng mga manok. Masaya ang pamumuhay sa probinsya lalo na't ang source ng pagkain ay galing sa kalikasan. Gusto ko pang mapalawak ang aking kaalaman about sa agriculture at sana ay inyo akong tulungan at subay bayan narin.


A farmer harvests corn in Benguet, Philippines. (Photo credit: Cropital) CROPITAL
Ano nga ba ang agrikultura?

Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary.

Ang agrikultura daw ay paglinang o sa english ay "cultivating" at pagpaparami o "reproduction" ng mga hayop "animal" at mga halaman "plants", so bali ang agrikultura ay paraan para mabuhay ang mga tao, ng hindi magutom at hindi maubusan ng pagkain.

Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.

Ang agrikultura ay isa palang agham na kung saan ito ay inaaral at sinasaliksik para mas lalong mapalago o mapagpayaman pa ang ating kaisipan patungo sa tamang pagaalaga, pagpaparami at pagmaintenance.

Maaring magkasingkahulugan ang katawagang pagsasaka sa agrikultura ngunit sa mas teknikal na kahulugan, ang pagsasaka ay ang aktibidad samantala ang agrikultura ay ang agham ng pagsasaka at ibang katulad na aktibidad.

So, magkaiba ang "magsasaka" at "agrikultura" dahil ang magsasaka ay ang gumagawa at ang agrikultura naman ay ang pagsasaliksik kung paano papalaguin ang pagsasaka.

Ano nga ba ang agrikultura para sa inyo sana ay malaman ko ang inyong saloobin. Please comment po kung ano ba sa inyong palagay ang agrikulturang Filipino. Salamat